20. Sunod-sunod ang mga kapahamakang dumarating sa bayan.Bigla na lamang bumabagsak ang aming mga toldaat napupunit ang mga tabing.
21. Hanggang kailan magtatagal ang paglalabanat maririnig ang tunog ng mga trumpeta?
22. At sinabi ni Yahweh, “Napakahangal ng aking bayan;hindi nila ako nakikilala.Tulad nila'y mga batang wala pang pang-unawa.Sanay sila sa paggawa ng masamangunit bigo sa paggawa ng mabuti.”
23. Pagkatapos ay tiningnan ko ang daigdig; wala itong hugis o anumang kaanyuan,at sa langit ay walang anumang tanglaw.