Jeremias 33:16-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Sa mga araw ring iyon, maliligtas ang mga taga-Juda at mapayapang mamumuhay ang mga taga-Jerusalem. At sila'y tatawagin sa pangalang ito: ‘Si Yahweh ang ating katuwiran.’

17. Si David ay hindi mawawalan ng kahalili sa trono ng bayang Israel.

18. At mula sa lahi ni Levi, hindi kukulangin ng pari na mag-aalay sa akin ng mga handog na susunugin, handog na pagkaing butil, at iba pang mga handog sa lahat ng panahon.”

19. Sinabi ni Yahweh kay Jeremias,

Jeremias 33