24. Sabihin mo kay Semaias na taga-Nehelam,
25. ganito ang ipinapasabi ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel: “Sinulatan mo ang mga taga-Jerusalem, ang paring si Zefanias na anak ni Maasias, at ang lahat ng mga pari. Sinabi mong
26. si Zefanias ang hinirang ni Yahweh bilang kapalit ng paring si Joiada. At bilang namamahala sa Templo, tungkulin niyang lagyan ng posas at tanikala sa leeg ang bawat nababaliw na lalaking nagpapahayag sa mga tao bilang propeta.
27. Bakit hindi mo pinigil si Jeremias ng Anatot na nagpapahayag sa inyo bilang propeta?
28. Sa mga bihag sa Babilonia'y sinabi niya: ‘Magtatagal kayo rito kaya magtayo kayo ng mga bahay na matitirhan at magtanim kayo para may makain.’”
29. Binasa ng paring si Zefanias ang sulat na ito nang naririnig ni Propeta Jeremias.
30. At tinanggap ni Jeremias ang salita ni Yahweh: