Jeremias 17:11-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Ang taong nagkakamal ng salapi sa pandarayaay parang ibong pumipisa sa hindi niya itlog.Mawawala ang mga kayamanang iyon sa panahon ng kanyang kalakasan,at sa bandang huli, siya'y mapapatunayang isang hangal.

12. Ang ating Templo'y katulad ng isang maharlikang trono,nakatayo sa isang mataas na bundok buhat pa noong una.

13. Ikaw, Yahweh, ang pag-asa ng Israel;mapapahiya ang lahat ng magtatakwil sa iyo.Maglalaho silang gaya ng pangalang isinulat sa alabok,sapagkat itinakwil ka nila, Yahweh,ang bukal ng tubig na nagbibigay-buhay.

14. Yahweh, pagalingin mo ako, at ako'y lubusang gagaling; sagipin mo ako, at ako'y ganap na maliligtas. Ikaw ang tangi kong pupurihin!

Jeremias 17