Jeremias 10:15-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Sila'y walang silbi sapagkat likha lamang ng pandaraya;wawasakin silang lahat ni Yahweh.

16. Ngunit hindi ganito ang Diyos ni Jacob;siya ang maylikha ng lahat ng bagay;at pinili niya ang Israel upang maging kanyang bayan.Yahweh ang kanyang pangalan, ang Diyos na Makapangyarihansa lahat.

17. “Mga taga-Jerusalem na napapaligiran ng kaaway, ipunin ninyo ang inyong mga ari-arian.

18. Palalayasin na kayo ni Yahweh at ipapatapon sa ibang lupain. Pahihirapan kayong lahat hanggang sa walang matira.” Ito ang sabi ni Yahweh.

19. At dumaing naman ang mga taga-Jerusalem,“Napakatindi ng parusa sa amin!Hindi gumagaling ang aming mga sugat.Akala namin, ito'y aming matitiis.

20. Ang aming mga tolda ay nawasak;napatid na lahat ang mga lubid.Ang aming mga anak ay naglayasang lahat,walang natira upang mag-ayos ng aming tolda;wala isa mang magsasabit ng mga kurtina.”

21. At sumagot si Jeremias, “Ang aming mga pinuno'y pawang mga hangal;hindi sila sumangguni kay Yahweh.Kaya hindi sila naging matagumpay,at ang mga tao'y nagsipangalat.

22. Makinig kayo! May dumating na balita!Nagkakagulo sa isang bansang nasa hilaga;ang kanilang hukbo ang pupuksa sa mga lunsod ng Juda,at ito'y magiging disyerto, tahanan ng mga asong-gubat.”

23. Nalalaman ko po, Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay;at walang nakakatiyak ng kanyang sasapitin.

Jeremias 10