Isaias 57:18-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Sa kabila ng ginawa nila, sila'y aking pagagalingin at tutulungan,at ang nagluluksa'y aking aaliwin.

19. Bibigyan ko ng kapayapaan ang lahat, maging nasa malayo o nasa malapit man.Aking pagagalingin ang aking bayan.

20. Ngunit ang masasama ay tulad ng dagat na laging maalon,walang pahinga sa buong panahon;mga burak at putik buhat sa ilalim ang iniaahon.

21. Walang kapayapaan ang mga makasalanan.” Sabi ng aking Diyos.

Isaias 57