7. O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan,ang sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan,at nagdadala ng Magandang Balita.Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin:“Zion, ang Diyos mo ay naghahari!”
8. Narito! Sisigaw ang nagbabantay,dahil sa galak, sama-sama silang aawit;makikita nila si Yahweh na babalik sa Zion.
9. Magsiawit kayo,mga guhong pader nitong Jerusalem;sapagkat inaliw ng Diyos ang hinirang niyang bayan;iniligtas na niya itong Jerusalem.
10. Sa lahat ng bansa, makikita ng mga nilalang,ang kamay ni Yahweh na tanda ng kalakasan;at ang pagliligtas ng ating Diyos tiyak na mahahayag.