19. Ang iyong lahi ay magiging sindami sana ng buhangin sa dagat,at tinitiyak kong hindi sila mapapahamak.”
20. Lisanin ninyo ang Babilonia, takasan ninyo ang Caldea!Buong galak na inyong ihayag sa lahat ng lugarna iniligtas ni Yahweh ang lingkod niyang si Israel.
21. Nang patnubayan ni Yahweh ang bayang Israel, sa pagtawid sa malawak at mainit na disyerto,hindi ito nauhaw bahagya mansapagkat binutas niya ang isang malaking bato, at ang tubig ay bumukal.
22. Ang sabi ni Yahweh, “Walang kapayapaan ang mga makasalanan!”