11. At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan;sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin.Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin,at papatnubayan ang mga tupang may supling.
12. Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay?Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan?Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan?Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol?
13. Sino ang makakapagsabi ng dapat gawin ni Yahweh?May makakapagturo ba o makakapagpayo sa kanya?