Isaias 34:6-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Ang espada ni Yahweh ay puno ng dugo at taba;iyon ay dugo ng mga tupa at kambing,at taba ng lalaking tupa.Sapagkat siya'y maghahandog sa Bozra,marami siyang pupuksain sa Edom.

7. Sila'y mabubuwal na parang maiilap na toro at barakong kalabaw,matitigmak ng dugoat mapupuno ng taba ang buong lupain.

8. Sapagkat si Yahweh ay may nakatakdang araw ng paghihiganti,isang taon ng paghihiganti alang-alang sa Zion.

9. Ang mga batis ng Edom ay magiging alkitran,at magiging asupre ang kanyang lupa,ang buong bansa ay masusunog na parang aspalto.

10. Araw-gabi'y hindi ito mamamatay,at patuloy na papailanlang ang usok;habang panaho'y hindi ito mapapakinabangan,at wala nang daraan doon kahit kailan.

Isaias 34