Isaias 29:14-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Kaya muli akong gagawang kababalaghan sa harapan nila,mga bagay na kahanga-hanga at kataka-taka;mawawalang-saysay ang karunungan ng kanilang mga matatalino,at maglalaho ang katalinuhan ng kanilang matatalino.”

15. Kaawa-awa ang mga nagtatago kay Yahweh habang sila'y gumagawa ng mga panukala.Sila na nagsasabing: “Doon kami sa gitna ng dilimupang walang makakakilala o makakakita sa amin!”

16. Binabaligtad ninyo ang katotohanan!Masasabi ba ng palayok sa gumagawa nito,“Hindi naman ikaw ang humugis sa akin;”at masasabi ba ng nilikha sa lumikha sa kanya,“Hindi mo alam ang iyong ginagawa”?

17. Tulad ng kasabihan:“Hindi magtatagalat magiging bukirin ang kagubatan ng Lebanon,at ang bukirin naman ay magiging kagubatan.”

Isaias 29