Isaias 27:3-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. “Akong si Yahweh ang nag-aalaga ng ubasang itona dinidilig bawat sandali,at binabantayan ko araw at gabiupang walang manira.

4. Hindi na ako galit sa aking ubasan,ngunit sa sandaling may makita akong mga tinik,ang mga ito'y titipunin koat saka susunugin.

5. Ngunit kung nais nilang sila'y aking ingatan,ang dapat nilang gawin, makipagkasundo sa akin.

6. Darating ang araw na mag-uugat ang lahi ni Jacob,mamumulaklak ang Israel, magbubunga ng maramiat mapupuno ang buong daigdig.

Isaias 27