4. Ikaw ang tunay na kanlungan ng mahihirap,at mga nangangailangan,matatag na silungan sa panahon ng unosat nakakapasong init.Sa harap mo'y mabibigo ang mararahas,sila'y parang bagyong humahampas sa matibay na pader.
5. Ang ingay ng dayuhan ay parang init sa disyerto,ngunit napatahimik mo ang ingay ng mga kaaway;hindi na marinig ang awit ng malulupit,parang init na natakpan ng ulap.
6. Sa Bundok ng Zion, aanyayahan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahatang lahat ng bansa para sa isang malaking handaan.Pinakamasasarap na pagkain at alak ang kanyang ipinahanda.
7. Sa bundok ding ito'y papawiin niyaang ulap ng kalungkutang naghahari sa lahat ng bansa.