Isaias 22:18-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Parang bola kang dadamputin at ihahagis sa malayong lupain.Doon ka mamamatay, sa tabi ng ipinagmamalaki mong mga karwahe,ikaw ang nagdadala ng kahihiyan sa sambahayan ng iyong panginoon.’

19. Aalisin kita sa iyong katungkulan,palalayasin kita sa iyong kinalalagyan.

20. Tatawagin ko sa araw na iyon ang aking lingkod,si Eliakim na anak ni Hilkias.

21. Siya ang pagsusuutin ko ng iyong buong kasuotan,ibibigay ko sa kanya ang iyong kapangyarihan,siya ang magiging ama ng mga taga-Jerusalem at ng mga taga-Juda.

Isaias 22