Isaias 17:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ganito ang pahayag ni Yahweh tungkol sa Damasco:“Mawawala ang Lunsod ng Damasco,at magiging isang bunton na lamang ng mga gusaling gumuho.

2. Kailanma'y wala ng titira sa mga lunsod ng Siria.Magiging pastulan na lamang siyang mga kawan ng mga tupa at baka at walang mananakot sa kanila.

3. Mawawasak ang mga tanggulan ng Efraim,babagsak ang kaharian ng Damasco.Matutulad sa sinapit ng Israel ang kapalarang sasapitin ng malalabi sa Siria.”Ito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

4. “Sa araw na iyonmaglalaho ang kaningningan ng Israel,ang kanyang kayamanan ay mapapalitan ng kahirapan.

5. Matutulad siya sa isang triguhanmatapos gapasin ng mga mag-aani.Matutuyot siyang gaya ng bukirin sa Refaimmatapos simuting lahat ng mga mamumulot.

Isaias 17