Isaias 10:33-34 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

33. Masdan ninyo si Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon!Sa pamamagitan ng nakakapangilabot na lakas,ibubuwal niya ang pinakamatataas na puno.Ibinabagsak niya ang mga palalo.

34. Ibinubuwal niya ang mga punongkahoy sa kagubatan sa pamamagitan ng palakol,bagsak na ang Lebanon at ang matatayog nitong punongkahoy.

Isaias 10