Isaias 1:17-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran;pairalin ang katarungan;tulungan ang naaapi;ipagtanggol ninyo ang mga ulila,at tulungan ang mga biyuda.

18. “Halikayo at tayo'y magpaliwanagan,” sabi ni Yahweh.Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan,kayo'y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak.

19. Kung susundin ninyo ang aking sinasabi,tatamasahin ninyo ang ani ng inyong lupain.

20. Ngunit kung susuway kayo at maghihimagsik,tiyak na kayo'y mamamatay.Ito ang mensahe ni Yahweh.

Isaias 1