Hosea 5:5-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Ang kapalaluan ng Israel ay sumasaksi laban sa kanya.Matitisod ang Efraim sa kanyang kasalanan;at kasama niyang matitisod ang Juda.

6. Dadalhin nila ang kanilang mga kawan ng tupa at bakaupang hanapin si Yahweh,subalit siya'y hindi nila matatagpuan;lumayo na siya sa kanila.

7. Naging taksil sila kay Yahweh;kaya't nagkaanak sila sa labas.Masisira ang kanilang mga pananim at sila'y malilipol pagdating ng bagong buwan.

Hosea 5