1. Ang Efraim ay umaasa sa wala,at maghapong naghahabol sa hangin.Puro kasinungalingan at karahasan ang ginagawa;nakikipag-isa sa Asiria,at nakikipagkalakal sa Egipto.”
2. May paratang si Yahweh laban sa Juda.Paparusahan niya si Jacob ayon sa masama nitong pamumuhay,at gagantihan ayon sa kanyang mga gawa.
3. Nang sila'y nasa sinapupunan pa, dinaya na ni Jacob ang kanyang kakambal,at nakipagbuno sa Diyos nang siya'y malaki na.
4. Nakipagbuno siya sa anghel at nagwagi,umiyak siya at nakiusap na nawa'y pagpalain.Nakatagpo niya ang Diyos doon sa Bethel,at ito'y nakipag-usap sa kanya.