4. Ang batas ay walang bisa at walang pakinabang,at hindi umiiral ang katarungan.Sa husgado ay laging natatalo ng masasama ang walang kasalanan,kaya't nababaluktot ang katarungan.
5. Pagkatapos ay sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan,“Masdan mo ang mga bansang nakapalibot sa iyoat mamamangha ka at magugulat sa iyong makikita.Hindi magtatagal at mayroon akong gagawinghindi mo paniniwalaan kapag nabalitaan mo.
6. Papalakarin ko sa kapangyarihan ang mga taga-Babilonia—ang bansang kilala sa kalupitan at karahasan.Sinasalakay nila ang lahat ng dako ng daigdigupang sakupin ang lupaing hindi kanila.
7. Naghahasik sila ng takot at sindak;ipinagmamapuri nila na sila mismo ang batas.