2. Huminto ang mga bukal at tumigil ang pagbuhos ng ulan.
3. Patuloy na humupa ang tubig, at pagkaraan ng 150 araw ay mababa na ang baha.
4. Sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat noong ikalabimpitong araw ng ikapitong buwan.
5. Patuloy ang paghupa ng tubig at nang unang araw ng ikasampung buwan, lumitaw ang taluktok ng mga bundok.
6. Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana ng barko na kanyang ginawa.
7. Pinalipad niya ang isang uwak at ito'y nagpabalik-balik hanggang matuyo ang tubig sa lupa.
8. Pagkatapos nito, pinalipad naman niya ang isang kalapati upang tingnan kung wala nang tubig.