Genesis 38:29-30 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

29. Ngunit iniurong ng sanggol ang kanyang kamay at naunang lumabas ang kanyang kakambal. Sinabi ng hilot, “Ano't nakipagsiksikan kang palabas?” Dahil dito, Fares ang ipinangalan sa bata.

30. Ang sanggol na may taling pulang sinulid ang huling iniluwal. At ito'y pinangalanang Zara.

Genesis 38