Genesis 17:5-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Hindi na Abram ang itatawag sa iyo kundi Abraham, sapagkat ngayo'y ginagawa kitang ama ng maraming bansa.

6. Pararamihin ko nga ang iyong lahi at magtatatag sila ng mga bansa; at may magiging hari sa kanila.

7. “Tutuparin ko ang aking pangako sa iyo at sa iyong lahi habang panahon, at ako'y magiging Diyos ninyo.

8. Ibibigay ko sa iyo at sa iyong magiging lahi ang lupaing ito ng Canaan na iyong tinitirhan ngayon bilang isang dayuhan. Ito ang magiging pag-aari nila sa habang panahon, at ako ang kanilang magiging Diyos.”

9. Sinabi pa ng Diyos kay Abraham, “Ikaw at ang lahat ng susunod mong salinlahi ay dapat maging tapat sa ating kasunduan.

10. Ganito ang inyong gagawin: lahat ng lalaki sa inyo ay tutuliin,

Genesis 17