3. Pagkarinig nito'y nagpatirapa si Abram. Sinabi pa sa kanya ng Diyos,
4. “Ito ang aking tipan sa iyo: Ikaw ay magiging ama ng maraming bansa.
5. Hindi na Abram ang itatawag sa iyo kundi Abraham, sapagkat ngayo'y ginagawa kitang ama ng maraming bansa.
6. Pararamihin ko nga ang iyong lahi at magtatatag sila ng mga bansa; at may magiging hari sa kanila.
7. “Tutuparin ko ang aking pangako sa iyo at sa iyong lahi habang panahon, at ako'y magiging Diyos ninyo.
8. Ibibigay ko sa iyo at sa iyong magiging lahi ang lupaing ito ng Canaan na iyong tinitirhan ngayon bilang isang dayuhan. Ito ang magiging pag-aari nila sa habang panahon, at ako ang kanilang magiging Diyos.”