Exodo 26:8-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Bawat isa nito'y 13 metro ang haba at 2 metro naman ang lapad.

9. Pagkabit-kabitin ninyo ang limang piraso at gayundin ang gawin sa anim na natitira. Ang ikaanim ay ilulupi at siyang ilalagay sa harap ng tolda.

10. Bawat piraso ay palagyan mo ng tiglilimampung silo ang gilid.

11. Gumawa ka ng limampung kawit na tanso at isuot mo sa mga silo para pagkabitin ang dalawang piraso upang maging isa lamang.

Exodo 26