Exodo 25:8-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Ipagpagawa mo ako ng santuwaryo na titirhan kong kasama nila.

9. Ang santuwaryo at ang lahat ng kagamitang ilalagay roon ay gagawin mo ayon sa planong ibibigay ko sa iyo.

10. “Gumawa kayo ng isang kaban na yari sa akasya: 1.1 metro ang haba, 0.7 metro ang luwang, at 0.7 metro ang taas.

11. Balutin ninyo ito ng lantay na ginto sa loob at labas, ang mga labi naman ay lagyan ninyo ng muldurang ginto.

Exodo 25