Exodo 14:14-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo.”

15. Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Bakit mo ako tinatawag? Palakarin mo ang mga Israelita.

16. Itapat mo sa ibabaw ng dagat ang iyong tungkod; mahahati ang tubig at matutuyo ang lalakaran ninyo.

17. Lalo kong pagmamatigasin ang mga Egipcio at pasusundan ko kayo sa kanila, ngunit doon ko sila lilipulin: ang mga Egipcio, ang mga kawal ng Faraon, pati ang kanilang mga karwahe. Ipapakita ko sa Faraon at sa kanyang hukbo ang aking kapangyarihan.

18. Sa gayon, malalaman ng mga Egipciong iyan na ako si Yahweh.”

Exodo 14