Deuteronomio 14:19-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. “Lahat ng kulisap na may pakpak ay marurumi. Huwag ninyong kakainin ang mga ito.

20. Maaari ninyong kainin ang anumang malilinis na ibon maliban sa mga nabanggit.

21. “Huwag ninyong kakainin ang anumang hayop na basta na lamang namatay. Maaari ninyo itong ibigay o ipagbili sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo. Ito'y sa dahilang kayo'y sambayanang inilaan sa Diyos ninyong si Yahweh.“Huwag kayong maglalaga ng tupa o batang kambing sa gatas ng sarili nitong ina.

22. “Kukunan ninyo ng ikasampung bahagi ang inyong ani taun-taon.

Deuteronomio 14