7. Alalahanin mo siya bago manumbalik sa alabok ang ating katawang lupa at ang ating hininga ay magbalik sa Diyos na may bigay nito.
8. “Napakawalang kabuluhan! Lahat ay napakawalang kabuluhan,” sabi ng Mangangaral.
9. Lahat ng nalalaman ng Mangangaral ay itinuro niya sa mga tao. Pinag-aralan niyang mabuti ang mga kasabihan at sinubok kung ito'y totoo.
10. Pinipili niya ang mga salitang magdudulot ng kasiyahan at isinusulat ang katotohanan.