Amos 2:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ganito ang sabi ni Yahweh:“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Moab,kaya sila'y paparusahan ko.Sinunog nila at pinulbos ang mga buto ng hari ng Edom.

2. Susunugin ko ang lupain ng Moab;tutupukin ko ang mga tanggulan sa Keriot.Masasawi ang mga taga-Moab sa gitna ng ingay ng labanan,sa sigawan ng mga kawal at tunog ng mga trumpeta.

3. Papatayin ko ang hari ng Moab,gayundin ang mga pinuno sa lupaing iyon.”

Amos 2