2 Samuel 17:1-2 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi ni Ahitofel kay Absalom, “Papiliin mo ako ng labindalawang libong tauhan at ngayon ding gabi'y hahabulin namin si David.

2. Sasalakayin ko siya habang pagod pa siya at nanghihina. Malilito siya at tiyak na magtatakbuhan ang kanyang mga tauhan. Ang hari lamang ang aking papatayin.

2 Samuel 17