2 Samuel 14:8-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Sinabi ng hari, “Umuwi ka na't ako na ang bahala.”

9. Ngunit sinabi ng babae, “Mahal na hari, anuman po ang inyong maging pasya, kami rin ang dapat sisihin. Wala po kayong dapat panagutan.”

10. Sinabi ng hari, “Kapag may bumanggit pa nito sa iyo, iharap mo sa akin para wala nang gumambala sa iyo.”

11. “Kung ganoon po,” wika ng babae, “ipanalangin po ninyo kay Yahweh na inyong Diyos na huwag na nilang paghigantihan ang aking anak.”Sumumpa ang hari, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, walang masamang mangyayari sa anak mo.”

12. “Isa pa pong kahilingan kung maaari, Kamahalan,” patuloy ng babae.“Sabihin mo,” sagot ng hari.

2 Samuel 14