14. Masagana kayo ngayon; marapat lamang na tulungan ninyo ang mga nangangailangan. Kung kayo naman ang mangailangan at sila'y sumagana, sila naman ang tutulong sa inyo. Sa gayon, pareho kayong nakatulong sa isa't isa.
15. Tulad ng nasusulat,“Ang kumuha ng marami ay hindi lumabis,at ang kumuha ng kaunti ay hindi naman kinulang.”
16. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya si Tito ng pagmamalasakit tulad ng pagmamalasakit ko sa inyo.
17. Hindi lamang niya pinaunlakan ang aming pakiusap, kundi sa kagustuhang makatulong sa inyo, nagprisinta pang siya ang pupunta riyan.