2 Mga Taga-Corinto 2:10-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Ang sinumang pinatawad ninyo ay pinatawad ko na rin. Ang pinatawad ko, kung mayroon man akong dapat patawarin, ay pinatawad ko na sa harapan ni Cristo alang-alang sa inyo,

11. upang hindi tayo malinlang ni Satanas at hindi naman lingid sa atin ang gusto niyang mangyari.

12. Nang dumating ako sa Troas upang mangaral ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, binigyan ako ng Panginoon ng magandang pagkakataon upang maisagawa iyon.

13. Ngunit hindi rin ako mapanatag sapagkat hindi ko natagpuan doon si Tito na ating kapatid. Kaya ako'y nagpaalam sa mga tagaroon at nagtuloy sa Macedonia.

2 Mga Taga-Corinto 2