2 Mga Cronica 15:3-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Matagal nang hindi sumasamba sa tunay na Diyos ang Israel, walang paring nagtuturo at wala ring kautusan.

4. Ngunit nang dumating sila sa kagipitan, humingi sila ng tulong kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. Siya'y kanilang hinanap at kanilang natagpuan.

5. Mapanganib noon ang maglakbay at mangalakal sapagkat magulo kahit saang lugar.

6. Naglalaban-laban ang mga bansa, at ang mga lunsod sa kapwa lunsod, sapagkat ginugulo at pinahihirapan sila ng Diyos.

2 Mga Cronica 15