1 Samuel 20:32-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

32. Sumagot si Jonatan, “Ano po ba ang kasalanan niya at dapat siyang patayin?”

33. Sa galit ni Saul, sinibat niya si Jonatan. Kaya't natiyak nitong talagang gustong patayin ni Saul si David.

34. Galit na umalis si Jonatan. Hindi siya kumain ng araw na iyon dahil sa sama ng loob sa ginawang paghamak ni Saul kay David.

35. Kinaumagahan, nagpunta siya sa bukid na pinag-usapan nila ni David, kasama ang isa niyang lingkod na batang lalaki.

1 Samuel 20