1 Mga Taga-Corinto 10:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang nangyari sa ating mga ninuno noong panahon ni Moises. Silang lahat ay naliliman ng ulap sa kanilang paglalakbay at sa pagtawid sa Dagat na Pula.

2. Sa gayon, nabautismuhan silang lahat sa ulap at sa dagat bilang mga tagasunod ni Moises.

3. Kumain silang lahat ng iisang pagkaing espirituwal,

4. at uminom din ng iisang inuming espirituwal, sapagkat uminom sila sa batong espirituwal na sumusubaybay sa kanila, at ang batong iyon ay si Cristo.

5. Gayunman, hindi kinalugdan ng Diyos ang marami sa kanila, kaya't sila'y isa-isang namatay sa ilang.

1 Mga Taga-Corinto 10