1 Mga Taga-Corinto 1:27-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

27. Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas.

28. Pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hampas lupa, at mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga kinikilala ng sanlibutan.

29. Kaya't walang sinum ang makakapagmalaki sa harap ng Diyos.

30. Sa kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo Jesus na siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din niya, tayo'y itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng Diyos.

31. Kaya nga, tulad ng nasusulat, “Ang sinumang nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang ginawa ng Panginoon.”

1 Mga Taga-Corinto 1