1 Mga Hari 22:15-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Pagdating niya sa harapan ng hari, siya'y tinanong, “Micaya, sasalakayin ba namin ang Ramot-gilead?”“Salakayin po ninyo at magwawagi kayo. Magtatagumpay kayo sa tulong ni Yahweh.”

16. Ngunit siya'y muling tinanong ng hari, “Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na pawang katotohanan lamang ang sasabihin mo sa pangalan ni Yahweh?”

17. Kaya't sinabi ni Micaya,“Nakita kong nagkawatak-watak ang hukbo ng Israel,nagkalat sa kabundukan parang tupang walang pastol!Narinig kong sinabi ni Yahweh, ‘Sila'y walang tagapangunakaya't pauwiin na silang mapayapa.’”

18. Kaya't sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Di ba't sinabi ko na sa iyo na kailanma'y hindi niya ako binigyan ng mabuting pahayag, lagi na lang masama.”

19. Ngunit nagpatuloy si Micaya, “Pakinggan ninyo si Yahweh: Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kanyang trono. Nasa kanyang harapan, sa kaliwa at sa kanan, ang buong hukbo ng langit.

1 Mga Hari 22