1 Mga Hari 10:27-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

27. Sa Jerusalem, ang pilak ay naging parang bato sa dami, at ang sedaray naging kasindami ng sikamoro sa kapatagan.

28. Galing pa sa Musri at Cilicia ang mga kabayo ni Solomon. May mga mangangalakal siyang tagapamili doon sa tiyak na halaga.

29. Bumibili din sila ng mga karwahe sa Egipto sa halagang 600 pirasong pilak bawat isa at sa 150 piraso naman ang bawat kabayo. Ang mga ito'y ipinagbibili ng mga mangangalakal ni Solomon sa mga haring Heteo at Arameo.

1 Mga Hari 10