1. Magtipun-tipon kayo at magpulong,bansang walang-hiya!
2. Bago kayo ipadpad na gaya ng ipang tinatangay ng hangin,bago ninyo lasapin ang matinding galit ni Yahweh,bago dumating sa inyo ang araw ng kanyang poot.
3. Manumbalik kayo kay Yahweh, kayong mapagpakumbabá,kayong sumusunod sa kanyang kautusan.Gawin ninyo ang tama at kayo'y magpakumbabá kay Yahweh,baka sakaling kayo'y makaligtassa parusa sa araw na iyon!