Tobit 6:15-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. Sumagot si Rafael, “Nalimutan mo na ba, Tobias, ang bilin ng iyong ama? Sinabi niyang sa iyong mga kamag-anak ka kukuha ng mapapangasawa! Makinig ka sa akin, at huwag mong intindihin ang demonyong iyon. Pakasalan mo si Sara, sapagkat ngayong gabi ay mapapasaiyo ang kanyang kamay!

16. Pagpasok mo sa kanyang silid, dalhin mo ang atay at puso ng isdang nakuha mo. Sunugin mo iyon

17. at kapag naamoy ng demonyo ang usok, tatakas agad ito at hindi na babalik. Bago kayo magsiping, manalangin muna kayong dalawa. Tumayo kayo upang manalangin at hilingin ninyo sa Panginoon na kahabagan kayo at iligtas. Huwag kang matakot, sapagkat si Sara ay itinakda na para sa iyo bago pa likhain ang sanlibutan. Ililigtas mo siya at sasama siya sa iyo. Tinitiyak kong magkakaanak kayo. Huwag kang mag-alala.”Matapos maipaliwanag ni Rafael na si Sara ay kamag-anak niya, minahal na ni Tobias ang dalaga at itinalaga na niya ang sarili na mapangasawa ito.

Tobit 6