Tobit 5:10-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Tinanong siya ni Tobit, “Huwag kang magagalit, anak; tagasaan ka ba at kaninong lahi ka nagmula?”

11. “Bakit po kailangan pa ninyong malaman ang aking pagkatao?” tugon ni Rafael.Sumagot si Tobit, “Mabuti nang malaman ko kung sino ka at kung sino ang iyong angkan.”

12. “Ako po'y si Azarias,” tugon ni Rafael. “Anak po ako ng matandang Hananias na isa rin ninyong kamag-anak.”

13. “Ganoon ba?” sagot ni Tobit. “Mabuti! Pagpalain ka nawa ng Diyos. Huwag ka sanang maiinis sa aking pag-uusisa. Tingnan mo, magkamag-anak pala tayo! Kilala ko ang iyong ama at ang kapatid nitong si Natamias. Anak sila ng iyong Lolo Semaias at madalas kaming magkasama papuntang Jerusalem para sumamba. Napakabuti nila; mabuti ang iyong angkan! Kaya, tamang-tama ka. Maligayang paglalakbay!”

Tobit 5