Tobit 4:4-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Alalahanin mo anak na maraming panganib ang kanyang dinanas habang ikaw ay nasa sinapupunan pa niya. Kaya kung siya'y bawian ng buhay, ilibing mo siya sa aking tabi.

5. “Huwag mong kalilimutan ang Panginoon habang ikaw ay nabubuhay; sumunod ka sa mga utos niya at iwasan mong magkasala. Sa iyong buong buhay, gawin mo ang mabuti at iwasan ang landas ng makasalanan.

6. Sikapin mong maging tapat sa gawain at magtatagumpay ka.

7. “Huwag mong tatalikuran ang mahihirap; magkawanggawa ka, at di ka tatalikuran ng Diyos.

Tobit 4