5-6. Iyon ang naging tanggapan ng dalawang hukom ng bayan at doon nagpupunta ang mga taong may usapin. Nang taong iyon, nahalal na hukom ang dalawang matandang pinuno, at ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa kanila: “Lumabas sa Babilonia ang kasamaan sa katauhan ng dalawang matanda na naglilingkod sa bayan bilang mga hukom.”
43. Alam po ninyo na walang katotohanan ang ibinibintang nila sa akin. Bakit ako papatayin gayong hindi ko naman ginawa ang ibinibintang nila sa akin?”
44-45. Dininig ng Diyos ang kanyang dalangin. Nang si Susana ay dinadala na sa bitayan, isang binatang nagngangalang Daniel ang nilukuban ng Diyos upang magpahayag ng pagtutol.
46. “Ayokong mapabilang sa mga sumasang-ayong patayin ang babaing ito,” sigaw niya.
47. Tinanong siya ng mga tao, “Ano ang ibig mong sabihin, binata?”
48. Tumayo ang binata sa kalagitnaan nila at nagpatuloy ng pagsasalita, “Mga Israelita, hangal ba kayo at hinatulan ninyo ang babaing ito nang hindi muna sinisiyasat at maingat na inalam ang katotohanan?
49. Kailangang ulitin ang paglilitis; walang katotohanan ang katibayang inilahad ng dalawang iyan laban sa kanya.”
50. Nagmamadaling bumalik ang mga tao sa lugar na pinaglitisan. Sinabi ng mga pinuno, “Daniel, dahil binigyan ka ng Diyos ng karunungang gaya ng sa isang pinuno, halika at sumama ka sa amin sa paghatol sa usaping ito.”
51. Pagkatapos, nagsalita si Daniel, “Paglayuin ninyo ang dalawang hukom at magkahiwalay ko silang sisiyasatin.”
52. Nang mapaglayo na sila, tinawag ni Daniel ang isa at sinabi, “Matandang walang kahihiyan! Kailangang panagutan mo na ang maraming kasalanang ginawa mo.
53. Hindi makatarungan ang mga hatol na iginagawad mo; pinaparusahan mo ang walang kasalanan at pinalalaya ang talagang nagkasala, bagama't sinabi ng Panginoon, ‘Huwag ninyong paparusahan ng kamatayan ang walang sala.’
54. Kung talagang nakita mo ang ipinaparatang mo sa babaing ito, sabihin mo sa akin, sa ilalim ng anong puno sila nagtatalik nang mahuli ninyo?”Sumagot siya, “Sa ilalim ng maliit na puno ng goma.”
55. Sinabi ni Daniel, “Kung gayon, buhay mo ang kapalit ng iyong sagot, sapagkat ibinigay na ng Diyos sa kanyang anghel ang parusa mo at hahatiin ka sa dalawa.”
56. Inilayo siya roon, at ipinatawag ang kanyang kasama. Paglapit nito, sinabi ni Daniel, “Ikaw naman malupit na Canaanita na hindi mula sa angkan ni Juda. Binihag ng alindog ng babae ang iyong isip at inalipin ng kahalayan ang iyong puso.