3. Ang kanyang mga magulang ay mga tapat na Judio at pinalaki siya ng mga iyon ayon sa Kautusan ni Moises.
4. Napakayaman ni Joakim at ang bahay niya'y napapaligiran ng malawak at magandang hardin. Karaniwa'y doon nagpupulong ang mga Judio sapagkat iginagalang siya ng lahat.
7. Nakagawian na ni Susana ang mamasyal sa hardin ng kanyang asawa pagkaalis ng mga tao upang mananghalian.
8. Sa araw-araw na pamamasyal niya doon ay nakikita siya ng dalawang pinuno at naakit ang mga ito sa kanya.
9. Nagkaroon sila ng masamang hangarin sa babae. Sa kanilang pagkahibang kay Susana, tinalikuran nila ang pananalangin at kinalimutan ang kanilang tungkuling magpatupad ng katarungan sa bayan.
10. Kapwa sila nag-aalab sa pagnanasa kay Susana, ngunit inililihim nila sa isa't isa ang kanilang nadarama,
11. sapagkat nahihiya silang aminin ang kanilang pagnanasa.
12. Kaya't buong pananabik nilang hinihintay ang gayong oras bawat araw upang makita si Susana.
13. Isang araw, sabi nila sa isa't isa, “Umuwi na tayo! Oras na ng pananghalian.”