Susana 1:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. May nakatira noon sa Babilonia na isang lalaking nagngangalang Joakim.

2. Ang asawa niya ay si Susana na anak ni Hilkias. Si Susana ay isang babaing bukod sa napakaganda ay may takot pa sa Diyos.

3. Ang kanyang mga magulang ay mga tapat na Judio at pinalaki siya ng mga iyon ayon sa Kautusan ni Moises.

4. Napakayaman ni Joakim at ang bahay niya'y napapaligiran ng malawak at magandang hardin. Karaniwa'y doon nagpupulong ang mga Judio sapagkat iginagalang siya ng lahat.

Susana 1