34. nang sabihin sa kanya ng anghel ng Panginoon, “Habakuk, dalhin mo sa Babilonia ang pagkaing iyan, kay Daniel na nasa yungib ng mga leon.”
35. Subalit sumagot si Habakuk, “Ginoo, hindi pa po ako nakakarating sa Babilonia at hindi ko alam kung saan ang yungib na iyon.”
36. Hinawakan ng anghel si Habakuk sa buhok, binuhat at simbilis ng hangin na dinala sa Babilonia, sa yungib ng mga leon.
37. Tumawag ng malakas si Habakuk, “Daniel! Daniel! Narito ang pagkaing padala ng Diyos.”
38. Sinabi ni Daniel, “O Diyos, ako'y hindi mo nilimot; hindi mo pinababayaan ang mga umiibig sa iyo.”
39. Tumayo si Daniel at kumain. Si Habakuk naman ay agad ibinalik ng anghel sa kanyang tahanan.
40. Pagkalipas ng pitong araw, pumunta ang hari sa yungib upang ipagluksa si Daniel. Sumilip siya sa yungib at nakita niya si Daniel na payapang nakaupo.
41. Napasigaw ang hari, “Talagang dakila ka, Panginoong Diyos ni Daniel. Tunay na walang ibang Diyos maliban sa iyo!”
42. Inilabas niya si Daniel sa yungib at ang itinapon ay ang mga taong nagtangka sa buhay nito. Kitang-kita ng hari na mabilis silang nilapa at kinain ng mga leon.