Santiago 5:18-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. At nang siya'y nanalangin para umulan, bumagsak nga ang ulan at namunga ang mga halaman.

19. Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa namang umakay sa kanya upang magsisi,

20. ito ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan tungo sa wastong pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nakakapawi ng maraming kasalanan.

Santiago 5