Ruth 1:17-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

17. Kung saan kayo mamatay, doon ako mamamatay, at doon din ako malilibing. Parusahan sana ako ni Yahweh ng pinakamabigat na parusa kung papayagan kong magkalayo tayo maliban na lamang kung paghiwalayin tayo ng kamatayan!”

18. Nang matiyak ni Naomi na hindi talaga magbabago ang isip ni Ruth na sumama sa kanya, hindi na siya tumutol.

19. Kaya't nagpatuloy sila ng paglalakbay. Pagdating nila sa Bethlehem, nagulat ang lahat. “Hindi ba't si Naomi ito?” tanong ng kababaihan.

20. Sumagot naman si Naomi, “Huwag na ninyo akong tawaging Naomi. Tawagin ninyo akong Mara, sapagkat ako'y pinabayaang magdusa ng Makapangyarihang Diyos.

Ruth 1